NAKIRAMAY | DND, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng nasawing sundalong Hapones na kabilang kamandag exercise

391

Manila, Philippines – Nakiramay ang Deparment of National Defense sa pamilya nang nasawing sundalong hapones na si Sergeant Maehara Suguru dahil sa aksidente sa daan sa Subic Bay Zambales.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, si Suguru ay miyembro ng Japan Ground Self Defense Force (JGSDF) contingent na kasama sa ginagawang Kamandag Exercise sa pagitang ng mga sundalong Pilipino at mga sundalong hapon sa bansa.

Nakatuon aniya ang pagsasanay sa Humanitarian Assistance and Disaster Response.

Nasawi ito nang sumalpok sa trak ang kanyang sasakyan na minamaneho ng isang pilipinong sibilyan sa Clark Subic Expressway noong October 2, 2018.

Facebook Comments