NAKITA NA | Isa sa tatlong tubo na naglalabas ng maruming tubig at masangsang na amoy sa Boracay – nahanap na

243

Nahanap na ng DENR ang tubong naglalabas ng maruming tubig at masangsang na amoy sa white beach ng Boracay Island.

Ayon kay Richard Fabila, OIC ng DENR-Boracay, isang concerned citizen ang tumawag sa kanilang hotline at sinabing nasa station 2 ang isa sa tatlong tubo na hinahanap ng ahensya.


Aniya, imposibleng dumaan sa water treatment facility ang tubig na umaagos sa tubo dahil maitim ito at mabaho.
Hinarangan lang aniya ng mga sakong may buhangin ang dulo ng tubo para masala ang tubig bago tuluyang dumiretso sa dagat.

Facebook Comments

From Advertisers