Nakitang usok mula sa BRP Sierra Madre, fire drill lang —AFP

Nilinaw ng Philippine Navy na nagsagawa lamang ng fire drill sa BRP Sierra Madre nitong nakalipas na buwan kaya may nakitang usok mula sa barko.

Ang paglilinaw ay sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, RAdm. Roy Vincent Trinidad, makaraang maglabas ng pahayag ang China na nagdudulot ng polusyon ang barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal na bahagi ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Paglilinaw ni Trinidad, gumamit ang mga tropa ng highly combustible materials ngunit napalakas ang nilikhang usok nito gawa ng malakas na hangin sa lugar.

Ani Trinidad, agad namang naapula ang apoy at naging matagumpay ang pagsasanay.

Samantala, sinabi pa ni Trinidad na walang pinsalang tinamo ang BRP Sierra Madre at wala rin itong naging epekto sa mga likas-yaman sa lugar taliwas sa mga ipinapakalat na fake news ng China.

Facebook Comments