NAKIUSAP | Dolphy King of Comedy Award na ibinigay kay Vice Ganda, huwag na daw gawin isyu – Epy Quizon

46

Manila, Philippines – Hindi na daw dapat kuwestyunin pa ng madlang people ang pagkakapili kay Vice Ganda bilang kauna-unahang recipient ng Dolphy King of Comedy Award sa katatapos na 66th FAMAS Awards.

Mismong ang anak ni Dolphy na si Epy Quizon ang nagsabing deserve daw ni Vice ang award lalo na at naging box office hit ang kaniyang pelikula ngayong taon.

Hindi na din daw issue kung mas nauna si Vice na mabigyan ng award kesa kay Vic Sotto dahil maging si Bossing daw ay hindi na nagkomento pa hinggil dito.

Sa huli, nakiusap si Epy na sana ay isantabi na lang ang mga isyu at irespeto ang naging desisyon ng pamilya nila at ng FAMAS sa pagkakapili kay Vice.

Facebook Comments