Nakolektang immigration fees para sa taong 2020, bumaba ng higit 36% ayon sa BI

27

Bumaba ng halos 36.1 percent ang total revenue ng Bureau of Immigration (BI) para sa taong 2020.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ₱5.8 billion lamang ang kanilang nakolektang immigration fees, higit na mas mababa kumpara sa ₱9.3 billion noong 2019.


Sa kabila nito, inaasahan ni Morente na babalik na sa normal ang kanilang koleksyon kasabay ng nalalapit na paggulong ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Facebook Comments