NALUNOD | 3 batang babae, patay matapos malunod sa Cavite

15

Cavite – Patay ang tatlong batang babae matapos malunod sa isang ilog sa bayan ng General Trias, Cavite.

Kinilala ang magpipinsan na sina Christina Salas, 10-anyos; Fatima Salas, 11-anyos; at Gergen Salas.

Nagkayayaan umanong maligo sa ilog ang magpipinsan pero nalunod si Fatima.

Nadamay naman si Christine nang subukan niyang iligtas ang kanyang kapatid.

Ganito rin ang sinapit ng pinsan nilang si Gergen nang tangkain din niyang tumulong.

Naisugod pa sa ospital ang tatlo pero idineklara silang dead-on-arival.

Facebook Comments