NALUNOD | Ginang na nawawala, bangkay na ng matagpuan sa Palawan

84

Palawan – Bangkay na nang matagpuan ang isang ginang na una nang napaulat na nawawala noong Lunes sa Malatgao River, Palawan.

Kinilala ang biktima na si Lanie Bunzalida, 30 anyos, na residente rin sa naturang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG), nakainom ng alak ang biktima nang magtungo ito sa nasabing ilog kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Nadulas ang biktima at nahulog sa tubig kung saan mabilis siyang tinangay ng rumaragasang alon dahilan ng kaniyang pagkalunod.

Pahirapan ang naging paghahanap dito dahil sa dilim at malakas na agos ng tubig.

Nadala naman na sa Padilla Funeral Home ang bangkay ng biktima para sa proper disposition.

Facebook Comments