NAMAALAM NA | World renowned scientist Stephen Hawking, pumanaw na

33

Pumanaw na sa edad na 76 ang British Physicist at Mathematician na si Stephen Hawking. Si Hawking ay isa sa mga pinakasikat na scientist sa buong mundo dahil sa kanyang kontribusyon sa Cosmology at Physics. Nakilala siya dahil sa kanyang mga science book na tumatalakay sa mga pag-aaral niya tungkol sa kalawakan, partikular ang theoretical prediction niya na nagbubuga ng radiation ang mga black holes na kalaunan ay tinawag na “Hawking Radiation”. Taong 2014 nang nai-feature ang kanyang buhay sa pelikulang “The Theory of Everything”.

Facebook Comments