Namatay dahil sa COVID-19 sa Mandaluyong, umabot na ng 67

37

Umabot na ng 67 ang kabuuang ng mga nasawi dahil sa Coronavirus Diseases 2019 sa Mandaluyong City.


Batay sa tala ng City Health Department, ngayong umaga pumalo na sa 1,044 na confirmed cases ng COVID-19 sa Mandaluyong matapos maitala ang walong panibagong kaso.

Nasa 718 na rin ang kabuuang bilang ng recoveries habang 259 pa ang active cases ng lungsod.

Nananatili pa rin ang Barangay Addition Hills bilang may pinakamaraming confirmed cases sa lahat ng barangay ng Mandaluyong na umakyat na ngayon sa 240 cases.

Facebook Comments