Namatay na pulis dahil infected ng COVID-19, nadagdagan pa

34

Umabot na sa 20 ang Philippine National Police (PNP) personnel na nasawi matapos na maging infected ng COVID-19.

Batay sa ulat ng PNP Health Service, isang pulis naman ang namatay nitong October 7, 2020 matapos na magkasakit ng COVID-19.

Ito ay isang lalaking Police non-commissioned officer, 50-anyos na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Batay pa sa ulat ng PNP Health Service kahapon, nadagdagan pa ng 26 COVID-19 cases sa PNP.

Dahil dito, umabot na sa 6,296 ang kabuuang bilang ng mga PNP personnel ang tinamaan ng COVID-19.

Sa 26 na bagong COVID-19 cases, walo ay nakatalaga sa NCRPO, tig-lima sa PNP Central Luzon at PNP CALABARZON, tig-dalawa sa National Operation Support Unit (NOSU) at National Administrative Support Unit at tig-iisa sa National Headquarters, PNP Western Visayas at PNP Eastern Visayas.

May 23 PNP personnel naman ang mga bagong gumaling sa virus, kaya naman umabot na sa 5,367 ang recoveries sa PNP.




Facebook Comments