NAMFREL, nakatutok din sa mga kandidatong lumalabag sa campaign period

57

Manila, Philippines – Nakatutok din ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa mga kandidato kasabay nang pagsisimula ng campaign period sa national level.

Ayon kay Eric Jude Avila – ito ay para tulungan ang Commission on Election (COMELEC) na mahuli ang mga politikong lumalabag sa campaign rules.


Kabilang sa mino-monitor ng NAMFREL ay ang posibleng pag-abuso ng mga pulitiko sa paggamit ng social media pages o website sa pangangampanya.

Kaugnay nito, hinikayat din ni Avila ang publiko na makipagtulungan at isumbong ang makikita nilang paglabag ng isang kandidato.

Facebook Comments

From Advertisers