NAMFREL NCR at Luzon, magkakaroon ng regional assembly

Magkakaroon ng Regional Assembly ang “National Citizens” Movement for Free Elections – National Capital Region (NAMFREL-NCR) at Luzon sa Makati City hinggil sa nalalapit ng May 13 Midterm Election.

Ayon kay NAMFREL Chairman Gus Lagman – pinayuhan niya ang publiko na matutuong magsaliksik at mag-double check para hindi maging biktima ng fake news.

Nagsasagawa ng assembly ang NAMFREL sa tuwing darating ang halalan para talakayin ang mga dapat malaman at importansya ng tamang pagboto.


Ang NAMFREL ay isang Non-Government Organization (NGO) at isang election watchdog na aktibong nagbabatay at nagmamasid sa panahon ng eleksyon.

Facebook Comments