NANAKOT LANG? | Ilang residente sa isang barangay sa Tondo, naalarma dahil sa pekeng pugot na ulo

197

Manila, Philippines – Naalarma ang ilang mga residente nang matagpuan ang isang pekeng pugot na ulo sa gilid ng kalsada sa Barangay 163, Zone-14 sa Tondo, Maynila.

Sa ulat, unang inakala ng isang concern citizen na pugot na ulo ng tao ang kaniyang nakita kung saan nakabalot pa ito ng puting towel.


Agad na rumesponde ang mga pulis pero nang kanila itong imbestigahan ay napansin nilang isa lamang itong ulo ng “manikin” kaya agad nitong iniangat.

Hinala naman ng ilang opisyal ng barangay na nananakot lamang ang may gawa nito dahil nang panuorin ang kuha ng CCTV, nakitang mga grupo ng kabataang nagnanazareno ang siyang nag-iwan sa manikin na pugot na ulo sa sulok ng isang poste sa nasabing lugar.

Facebook Comments

From Advertisers