NANALO NG JACKPOT PRIZE NA P20M SA LOTTO 6/42, PANGATLONG LOTTO MILYUNARYO NG 2021

79

Mandaluyong City.  Isang maswerteng lotto player ang pinaka bagong nadagdag sa listahan ng mga bagong milyunaryo ng PCSO para sa 2021.

Sa ginanap na lotto draw noong Enero 23, 2021, mag-isang napanalunan ng taga Dasmarinas, Cavite ang Lotto 6/42 jackpot prize na umabot sa Php20,130,966.60.

Ang mga swerteng numero 05-02-12-26-28-04 ay nagtala ng 56 winners ng 2nd prize (Php24,000.00), 2,244 winners ng  3rd prize (Php800.00) at 27,967 winners ng 4th prize (Php20.00).

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado na mapapanood sa PTV-4 sa ganap na ika-9 ng gabi.

Congratulations sa ating winner! Patuloy nating suportahan ang mga palaro ng PCSO, ang mga “Larong may Puso” dahil baka ikaw na ang susunod na PCSO Milyunaryo!

Para sa mga katanungan at iba pang impormasyon tungkol sa mga laro ng PCSO, maaari ninyong bisitahin ang official website ng PCSO na www.pcso.gov.ph, ang official FB page na https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia at ang You Tube account na PCSO GOV.




“Maliit na Halaga, Dala ay Pag Asa”

“Walang Humpay na Malasa

Facebook Comments