NANALONG KANDIDATA SA NAGANAP NA PAGEANT NG MISS HUNDRED ISLANDS 2023, KILALANIN

Naiuwi ni Monica Pearl Valle ang korona sa naganap na pageant competition ng Miss Hundred Island 2023 nito lamang nakaraang March 11. Ito ay ginanap sa Lucap Wharf, Alaminos City, Pangasinan.
Si Monica ay 22 years old na tubong Barangay Sto. Domingo, Urdaneta City. Siya ay nag aaral pa lamang sa kursong Psychology. Ayon sa kanya, bago pa siya lumaban sa Miss Hundred Island, limang pageants na rin ang kaniyang nasalihan.
Ang kanyang inspirasyon sa pagsali ay ang pamilya, lahat ng mga taong naka suporta sa kanya at ang kanyang younger self.

Sabi pa niya, ang Hundred Island ay malapit sa kanyang puso. Isa sa kanyang comfort destination. Lugar na kung saan pasyalan nila ng kanyang kaibigan at pamilya tuwing reunion. Nais niyang ipamahagi ang kanyang advocacy na patungkol sa Family Values kung kaya’t siya ay sumali sa Miss Hundred Island.
Dagdag pa niya, ang kanyang pagkapanalo ay para sa lahat ng taong sumuporta sa kanya sa una hanggang dulo ng competition. |ifmnews
Facebook Comments