NANANAGINIP | Hula ni Trillanes sa magiging kapalaran ni PRRD, hindi mangyayari – Malacañang

Manila, Philippines – Nananaginip lang si Senador Antonio Trillanes IV kung naniniwala ito na dadanasin din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pinagdadaanan ngayon.

Matatandaan kasi na sinabi ni Trillanes na sana ay nanunuod kahapon si Pangulong Duterte sa mga nangyayari sa kanya dahil sigurado aniyang dadanasin din ito ni Pangulong Duterte pagdating ng panahon.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, siguro ay nananaginip si Trillanes dahil magkaiba naman sila ni Pangulong Duterte.


Paliwanag ni Roque, alam ni Pangulong Duterte ang kanyang ginagawa dahil abogado at matagal itong naging piskal kaya malinaw na alam ng Pangulo ang batas.

Facebook Comments