NANAWAGAN | 4 na persons of interest sa Sagay 9 massacre, humihiling ng proteksyon kay PRRD

150

Manila, Philippines – Nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang apat na persons of interest sa Sagay 9 massacre sa Negros Occidental.

Ayon kay Sagay chief-of-police, Chief Insp. Robert Reyes Masueyo – ang mga ito ay dating miyembro ng New People’s Army (NPA) at National Federation of Sugar Workers (NFSW) na ngayon ay itinuturo ng makakaliwang grupo.

Sinabi aniya ng mga testigo – lumalakas ang pwersa ng mga makakaliwang grupo dahil may mga pulitikong pumopondo sa kanila.

Kaya nananawagan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga mambabatas na magkaroon ng imbestigasyon sa koneksyon ng CPP-NPA-NDF, droga at pulitika sa Visayas.

Facebook Comments