NANAWAGAN | Amerika, namagitan na sa alitan ng Canada at Saudi Arabia

168

Nanawagan na ang Amerika sa Canada at Saudi Arabia na resolbahin sa diplomatikong pamamaraan ang gusot sa pagitan ng dalawang bansa.

Kasunod na rin ito ng usapin ng Human Rights ng Saudi sa pag-aresto ng mga Canadian Activist sa Arab Kingdom.

Kasunod ng pamamagitan ng Amerika, sinabi ni U.S. State Department Spokesperson Heather Nauert na diplomasya ang solusyong para maresolba ang iringan ng Canada at Saudi.

Noong lunes, binatikos ni Saudi Foreign Minister Adel Al-Jubeir ang panawagan ng Canada na palayain ang kanilang mga mamamayan na inaresto.

Bago ito ni-recall ng Saudi Arabia ang kanilang ambassador sa Canada, ipinahinto ang trade at investment at pinatalsik ang Canadian Ambassador sa kanilang bansa.

Facebook Comments