NANAWAGAN | Bullying, hindi maitatama ng pag-bully din sa estudyante na gumagawa nito

Manila, Philippines – Nanawagan si Senator Nancy Binay sa lahat na tumulong para matuldukan ang lahat ng uri ng pambu-bully.

Pahayag ito ni Binay kasunod ng viral video ng isang Ateneo high school student na nambu-bully at nananakit sa ilang kapwa niya estudyante.

Dahil sa viral video ay umaani ngayon ng batikos sa social media ang nabanggit na estudyante.


Giit ni Senator Binay, hindi malulutas ang maling ginawa ng nabanggit na estudyante sa pamamagitan ng pagpapahiya at pag-bully din dito gamit ang social media.

Ikinalungkot ni Senator Binay na nagiging instrumento na ang social media ng pagpapalaganap ng galit sa halip na gamitin para magamot o maayos ang naging resulta ng bullying.

Kasabay nito ay isinulong din ni Senator Binay sa social media ang hashtag na stop the hate at be nice.

Facebook Comments