NANAWAGAN | Mga board member ng PCA, pinagbibitiw ni PRRD

506

Manila, Philippines – Pinagsusumite ng courtesy resignation ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng board member ng Philippine Coconut Authority (PCA).

Ito ang kinumpirma ni Agricultute Sec. Manny Piñol matapos niyang imungkahi sa Pangulo Duterte.

Ayon kay Piñol, layon nito na magkaroon ng kalayaan si Duterte na makapili ng mga bagong opisyal ng PCA.

Pero nilinaw ni Piñol na patuloy na magtatrabaho ang mga miyembro ng PCA board hanggang sa makapili ang Pangulo ng kapalit ng mga ito.

Maaari rin aniyang ma-reappoint ang mga miyembro ng board.

Paglilinaw pa ng kalihim, walang paglabag batas sa gagawing reorganisasyon ng PCA dahil alinsunod ito sa Coco Levy Act.

Facebook Comments