NANAWAGAN | Pangulong Duterte, nagpaabot ng kaniyang mensahe ngayong Easter Sunday

51

Manila, Philippines – Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte ng pagpapakumbaba at pagpapatawad sa kapwa ngayong Easter Sunday.

Sa mensahe ng Pangulo ngayong pasko ng pagkabuhay, ang isang taong may mabuting kalooban ay karapat-dapat para sa pagmamahal ng Diyos.

Hinimok din ng punong ehekutibo ang mga Pilipino na magtulungan ay alalayan ang kapwa maging ang mga nangangailangan.

Tinatayang nasa 80-porsyento ng populasyon ng Pilipinas ay mga Kristyano.

Facebook Comments