Nang dahil sa basura, lalaki patay matapos barilin sa Mandaluyong City

47

Mandaluyong City – Nang dahil sa basura, patay ang isang lalaki matapos itong barilin sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Dead on the spot ang biktima na si Arnold Gallo na isang basurero habang nadakip din ang suspek na si Ramil Canana.

Sa ulat, nagalit ang suspek matapos na hindi itapon ng biktima ang kaniyang basura kahit pa binigyan niya ito ng P40.00.

Agad na pinagbabaril ni Canana si Gallo pero hindi naman na ito nakaporma nang rumesponde ang isang babaeng pulis na si SPO2 Jean Aguada na nakatira lang malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Facebook Comments