NANGANGAMBA | Cash-based budgeting system, ikinabahala ni Sen. Escudero

138

Manila, Philippines – May pag-aalala si dating Finance Committee Chairman Senator Francis Chiz Escudero kaugnay sa isinusulong na cash-based budgeting system para sa 2019 proposed national budget.

Nangangamba si Escudero na maapektuhan nito ang build, build, build program ng Administrasyong Duterte.

Tinukoy din ni Escudero na posibleng maapektuhan nito ang kakayahan ng gobyerno na tumugon sa mga kalamidad, tulad ng pananalasa ngayon ng habagat na nagdudulot ng matinding pagbaha.

Dagdag pa ni Escudero, posibleng maging tali din ang kamay ng pamahalaan sa pagtugon sa man-made calamities o sitwasyon tulad ng labis na pagtaas ng inflation o presyo ng bilihin at matitinding insidente ng sunog.

Facebook Comments