
Tinukoy ng Philippine National Police (PNP) bilang isang “isolated incident” ang nangyari umanong komprontasyon ng ilang mga personnel ng Highway Patrol Group-NCR at Bureau of Customs (BOC) sa Sta. Maria, Bulacan.
Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Allen Rae Co, pinapahalagahan ng PNP ang relasyon nito sa BOC at kinilala at binigyang-pansin ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez ang nasabing pangyayari.
Ayon kay Co, nagbigay na ng direktiba si PNP Chief Nartatez sa Directorate for Investigation and Detective Management o (DIDM) na gamitin ang lahat ng mga concerned units para magsagawa ng imbestigasyon.
Samantaa, binigyang-diin ni Co na ang ginawang pagrelieve sa 13 HPG personnel ay hindi nangangahulugan na sila ay guilty na , ginawa ito para magbigay daan sa imbestigasyon sa nasabing insidente.










