NANINDIGAN | 2018 National budget at panukalang pambansang pondo para sa 2018, walang iregularidad – DBM

29

Manila, Philippines – Nanindigan ang Department of Budget and Management (DBM) na walang iregularidad sa pambansang pondo.

Ito ay bilang pagkontra sa pahayag ng ilang kongresista na may nakikita silang anomalya sa implementasyon ng 2018 budget at sa 2019 proposed budget.

Tanong ni Budget Secretary Benjamin Diokno, paano nila nasabi na may anomalya sa 2019 budget lalo at hindi pa ito naaprubahan.

Handang humarap si Diokno sa Kamara para ipaliwanag ukol dito.

Facebook Comments