NANINDIGAN | Dating PNoy, iginiit na dumaan sa wastong proseso si Sen. Trillanes

97

Manila, Philippines – Nanindigan si dating Pangulong Noynoy Aquino na dumaan sa tamang proseso ang pagbibigay niya ng amnestiya kay Senator Antonio Trillanes.

Matatandaang si Aquino ang naggawad ng amnestiya kay Trillanes.

Giit ni Aquino, kasama si Trillanes sa listahan niya ng mga nag-apply noon ng amnestiya sa kanya.

Dagdag pa ni Aquino, bumuo siya ng komite na sumala at nagproseso ng mga aplikasyon at requirements nito.

Nailathala rin ang listahan para bigyan din ng pagkakataon ang mga tutol na kwestyunin ito subalit wala namang kumontra rito.

Tanong ngayon ng dating pangulo, bakit ngayon lang kinuwestyon ang amnestiya ni Trillanes.

Para naman kay Vice President Leni Robredo, gusto lang patahimikin ng administrasyon ang mga kumakalaban dito.

Facebook Comments