NANINDIGAN | DFA, naniniwalang hindi lamang ang China ang dapat na kausapin sa agawan ng teritoryo sa WPS

17

Manila, Philippines – Nanindigan si Foreign Affairs Sec Alan Peter Cayetano na maliban sa China ay dapat ding kausapin ang iba pang claimants ng West Philippine Sea

Ginawa ni Cayetano ang pahayag makaraan ang ulat ng paglalagay umano ng China ng surface to air missile at anti-cruise ship missiles sa kanilang tatlong outpost sa pinagaagawang teritoryo.

Paliwanag ni Cayetano hindi lang kasi ang China ang umaangkin sa nasabing teritoryo kung hindi maging ang iba pa nating kapitbahay na bansa

Kaugnay nito sinabi ng kalihim na gagamit parin ang Pilipinas ng lahat ng diplomatikong pamamaraan upang matugunan ang naturang isyu.

Facebook Comments