NANINDIGAN | Fighting Senator Manny Pacquiao, muling tiniyak na hindi magpapalamang kay Lucas Matthysse

Sakaling talunin ni Lucas Matthysse sa July 15 si Manny Pacquiao, ay saka pa lang ito magreretiro sa boxing.

Ito ang pinanindigan ng fighting senador kung saan iginiit nitong gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para maipakita sa mga kritiko na kaya pa niyang lumaban.

Kasabay nito ay pinuri ni Pacman ang kanyang coach na si Restituto “Buboy” Fernandez dahil gaya ni Freddie Roach ay nagiging agresibo pa ito.


Gagawin ang laban nina Pacquiao kay Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Facebook Comments