NANINDIGAN | JK Labajo, inosente sa ibinibintang sa kanya ng kapwa the voice kids finalist na si Darren Espanto?

185

Manila, Philippines – Nanindigan si JK Labajo na inosente siya sa ibinibintang sa kanya ng kapwa the voice kids finalist na si Darren Espanto.

Kaugnay ito ng “gayness at its finest” tweet umano ni JK patungkol kay Darren.

Itinanggi ni JK na siya ang nag-tweet ng mensaheng iyon dahil na-hack daw ang kanyang Twitter account, pero, naniniwala si Darren na si JK mismo ang nag-tweet, base sa pagkakakilala niya rito.

Say ni JK, ayaw niyang patulan ang isyu lalo na at alam niya baka palakihin ito ng entertainment press.

Sa katunayan aniya ay iminassage pa niya ng private si Darren pero siya ang nagpalaki.

Kasabay nito, hindi raw natatakot si JK sa banta ni Darren na sampahan siya ng kaso lalo na at wala naman siyang ginawang masama.

Tanggap din daw ni JK na bahagi ng buhay ng isang celebrity ang isyu at intriga.

Facebook Comments