NANINDIGAN | Mayor Sara Duterte, muling iginiit na hindi tatakbo sa 2019 Senatorial Elections

Manila, Philippines – Muling iginiit ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi siya tatakbo sa pagkasenador sa 2019 midterm elections.

Ito ang kanyang pahayag kasabay ng oath-taking ng 5,000 bagong miyembor ng Hugpong ng Pagbabago (HNP), ang regional political party na kanyang pinamumunuan.

Ayon kay Mayor Duterte, gusto lamang niya na bumuo ng matibay na Region 11.


Una na ring sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi talaga tatakbo ang kanyang anak na alkalde sa anumang national position.

Facebook Comments