NANINDIGAN | NCRPO Chief Guillermo Eleazar, hindi ititigil ang Oplan Tambay

Manila, Philippines – Nanindigan si NCRPO Chief Guillermo Eleazar na hindi ititigil ang pagdadampot sa mga tambay kahit pa nilinaw na ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang iniutos na gawin ito.

Nilinaw ni Eleazar na hindi Oplan Tambay ang kanilang ginagawa kundi bahagi ng regular na pagpapatupad ng ordinansa ng mga lokal na pamahalaan.

Aniya, wala itong sini sino mapa mayaman o mahirap, may trabaho at wala.


Pero, tiyak na dadamputin ang sinuman na nakahubad, nagsisigarilyo, umiihi sa pampublikong lugar at pasiga-siga sa kalsada.

Sa sitwasyon na masikip na ang mga detention facilities ng pulisya, maaring ilagay pansamantala sa covered court ang mga naaresto at babantayan.

Facebook Comments