NANINDIGAN | Planong pagbuo ni PRRD ng death squad vs NPA, hindi magtatagumpay

Manila, Philippines – Hindi magtatagumpay ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng “death squad” laban sa New People’s Army (NPA).

Sabi ni Jaime Padilla, tagapagsalita ng Melito Glor Command ng NPA – gaya ng giyera kontra iligal na droga ng gobyerno na layong patumbahin ang malalaking drug lord at sindikato sa bansa, mga karaniwan at inosenteng mamamayan lang ang pupuntiryahin ng DDS.

Ipinapakita lang din aniya ng mga pahayag ng Pangulo ang pag-amin nito na talagang mayroon siyang sariling death squad noong panahong alkalde pa siya ng Davao City.


Dagdag pa ni Padilla, nangangarap nang gising si Pangulong Duterte dahil malabong mapatumba niya ang NPA sa pamamagitan ng bubuuin niyang sparrow unit.

Facebook Comments