NANINDIGAN | Sear Consortium – kayang tapatan ang serbisyo ng Mislatel

312

Manila, Philippines – Nanindigan ang Sear Consortium na kaya nilang tapatan ang serbisyo na kayang ibigay ng napiling third provisional major telco player na Mislatel consortium.

Ayon kay dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson, may-ari ng LCS group of companies na nasa ilalim ng Sear – mas malawak ang coverage na kayang ibigay ng kanilang kumpanya kung saan kaya nitong maabot kahit ang mga liblib na lugar.

Sa Agosto 2019, darating na raw kasi ang binili nilang satellite.

Muli ring iginiit ni Singson na hindi kwalipikado ang Mislatel dahil naka-pirma pa ito sa prangkisa ng digiphil na nasa ilalim naman ng Tier One Telecom, isa rin sa mga kasapi ng Sear Consortium.

Facebook Comments