NANINIGURADO | Taft Ave. sa Pasay muling binalikan ng MMDA Clearing Operations Group

135

Pasay City – Pinangunahan ng Team Bravo ng Metropolitan Manila Development Authority Clearing Operation sa Rutonda Taft Avenue sa Pasay City papunta sa area ng Baclaran sa Parañaque.

Kasama sa anti-illegal parking operation ang mga tauhan ng Metro Parkways Clearing Group at Sidewalk Clearing Operations Group ng ahensya.

Labing-limang tow trucks ang dala ng Team Bravo na gagamitin na panghila ng mga sasakyan ng mga pasaway na driver na patuloy pa rin pumaparada sa mga bawal na lugar tulad ng bangketa at lampas sa itinakdang linya ng ahensya.

Kinumpiska ng MMDA ang mga folding bed ng mga vendor, na inabutan natutulog sa mga bangketa, tinikitan ang mga driver ng motorsiklo dahil sa illegal parking.

Tulad ng dati, pulasan ang mga vendor tulak ang kanilang mga rolling stores o kariton sa mga eskinita upang takasan ang Clearing Operations Group ng MMDA.

Facebook Comments