Naniniwala ako sa Plataporma ng Team GMSM- Vice Gov. Sinsuat

25

Binasag na ni Maguindanao Vice Governor at Re-Electionist Datu Lester Sinsuat ang kanyang katahimikan kaugnay sa dahilan ng paglipat nito ng mga kaalayado ngayong kampanya at eleksyon.
“Naniniwala ako sa platapormang hangad ng Gobyernong May Malasakit sa Maguindanao sa pangunguna ni Bai Mariam Sangki Mangudadatu, sa tulong ng kanyang asawa na si Sultan Kudarat Representative at Incoming Governor Teng Mangudadatu kasama ang mga nirerespetong mga leader ng Maguindanao Datu Tocao Mastura, Kagui Ali Midtimbang, ang kanyang ama na si Datu Ombra Sinsuat at kasalukuyang Sultan Kudarat Gov. Pax Mangudadatu ” giit pa ni Datu Lester.
Inihayag ito ni Vice Gov. Sinsuat kasabay ng grand rally kagabi sa Sultan Mastura Gymnasium.
Matatandang si Vice Gov Sinsuat ay naghain ng kanyang COC sa ilalim ng PDP Laban, kasama pa ng ibang kaalyado nito pagkaboardmember ngunit ngayoy nangangampanya sa hanay ng NP.
Bagaman nakakasiguro na sa kanyang ikatlong termino bilang Bise Gobernador, patuloy na hinihimok nito ang kanyang mga kababayan na maging mapanuri sa paghalal ng mga magiging opisyal sa konseho, munisipyo at sa lalawigan.
Si Vice Gov Lester ay Chairman ng ALIM sa unang distrito ng Maguindanao.

Facebook Comments