NANLABAN | 2 drug personalities, patay sa ikinasang operasyon sa South Cotabato

South Cotabato – Patay ang dalawang drug personalities makaraang manlaban sa mga pulis sa Polomolok Town, South Cotabato.

Nakilala ang mga namatay na sina Ruben Porsuelo at Bobong Jamelo.

Pinaputukan umano ng dalawa ang mga otoridad nang dumating sa lugar.


Naisugod pa sa ospital ang dalawa pero idineklarang dead on arrival.

Maliban dito, labing-anim pa na pawang drug peddlers at pushers ang inaresto sa isinagawang simultaneous “one time- big time” anti-drug operations sa limang mga barangay sa Polomolok.

Katuwang ng mga pulis sa isinagawang operasyon ang mga tauhan ng 27th Infantry Battalion nang isilbi ang 34 search warrants sa mga barangay ng Poblacion, Rubber, Lumakil, Magsaysay at Silway 8.

Facebook Comments