NANLABAN | 2 drug pusher, patay sa buy bust sa Calamba, Laguna

76

Calamba, Laguna – Patay ang dalawang tulak ng droga sa buy-bust operation ng Calamba Drug Enforcement team sa Barangay Bukal, Calamba, Laguna.

Kinilala ang isa sa mga suspek na si Raymond Angeles.

Bigla na lang nagpaputok ng baril ang mga suspek nang matunugang pulis ang kanilang katransaksyon.

Gumanti naman ang mga operatiba na nagresulta ng pagkamatay ng mga drug pusher.

Narekober sa kanila ang 13 sachet ng shabu, dalawang kalibre 38 baril at mga bala.

Facebook Comments