NANLABAN | 2 patay sa engkwentro sa Payatas, QC

51

Quezon City – Patay ang dalawang di pa nakikilalang lalaki matapos na makipagsagupaan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa Payatas Road Corner San Miguel Street Barangay Payatas, Quezon City.

Nakilala lamang ang isa sa nasawi na tinatayang may taas na 5ft., may takip sa mukha, nakasuot ng puting baseball cap, gray na long sleeve shirt at sky blue na short.

Ang pangalawang suspek ay may taas na tinatayang 5ft. 6 inches, may takip rin sa mukha at nakasuot din ng itim na baseball cap, green na long sleeve shirt at itim na short.

Pasado alas kuwatro nang nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen ang Batasan Police Station 6, QCPD tungkol sa ginagawang pagbaklas ng tricycle unit ng isang grupo ng kalalakihan sa bahagi ng Payatas Road malapit sa isang gas station.

Agad na rumesponde sa lugar ang operatiba ng Batasan Police Station 6, sa pamumuno ni Police Chief Inspector Sandie Del Finado Caparroso .

Nang lalapitan na ng mga pulis ang mga suspek, dalawa ang agad na sumalubong sa mga pulis na agad na nagpaputok na nagresulta sa bakbakan na ikinasawi ng dalawa.

Dalawa sa mga kasamahan ng mga nasawi ang nagawang makatakas sa direksyon ng Montalban sakay ng motorsiklo.

Facebook Comments