NANLABAN | 3 patay sa anti-drug operation sa Bacoor, Cavite

25

Bacoor, Cavite – Patay ang tatlong drug suspek matapos manlaban sa ikinasang anti-drug operation sa magkakatabing bahay na nasa ibabaw ng dagat sa Bacoor, Cavite.

Nakilala ang mga nasawi na sina Diowie Concepcion alyas Asyong, Harries Iso at isang hindi pa nakilalang lalaki.

Nabatid na ang tatlo ang itinuturing na kilabot na operator ng mga drug den sa lugar.

Bukod dito, naaresto naman ang mahigit 24 na pusher at user sa lugar kung saan napag-alaman na ang mga iligal na droga ay itinatago at inilulubog pa ng mga ito sa dagat para hindi madaling makita.

Narekober ng mga otoridad ang mga baril, drug paraphernalia at mga pakete ng shabu na tinatayang aabot sa P1 milyon ang halaga.

Facebook Comments