NANLABAN | Dalawa patay, sa magkahiwalay na police operation sa North Cotabato

North Cotabato – Dalawa ang patay sa magkahiwalay na police operation sa bayan ng Matalam at Libungan, North Cotabato.

Sa ulat, maghahain sana ng search warrant ang awtoridad kay Jun Bacud nang paputukan sila ng suspek.

Agad na gumanti ang operating team at nabaril si Bacud na isang small town lottery operator.


Narekober sa crime scene ang isang kalibre .38 revolver, mga bala at walong pakete ng shabu.

Sa Barangay Montay sa bayan ng Libungan, namatay si Allan Pananggalang sa isinagawang drug bust kung saan isang pakete ng ilegal na droga ang nabili ng isang agent na nagpanggap bilang buyer.

Agad nagpaputok ng baril ang suspek nang makatunog na pulis ang ka-transaksiyon nito kaya nabaril din siya at dead on arrival sa ospital.

Facebook Comments