NANLABAN | Drug suspect patay, 2 pulis sugatan sa nangyaring barilan sa Pasay City

111

Pasay City – Dead on the spot ang isang drug suspect matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa Pasay City.

Kinilala ang nasawi na si Edgardo Samson habang sugatan naman ang anak nitong kinilalang si Mark Vincent Ocampo.

Ginagamot din ngayon sa San Juan de Dios Hospital ang dalawang pulis na sina PO3 Tina Villanueva at PO1 Arman Canasares.

Sa ulat, nagsagawa ng oplan sita ang dalawang pulis sa F. De Guzman Street, Malibay at namataan ang suspek na si Samson na armado ng baril.

Sinubukan kausapin ng mga pulis si Samson na isuko na lamang ang dala nitong baril ngunit pinaputukan sila nito.

Pinigilan naman ng anak ni Samson si PO3 Villanueva na bumunot ng baril kaya at tinamaan siya ng bala sa balikat at tuhod habang sa beywang naman tinaman si PO1 Canasares.

Kahit na sugatan, nagawa ng mga pulis na gumanti ng putok kaya at tinamaan si Ocampo sa hita habang si Samson ay nagawang makatakbo.

Natunton din sa ikinasangfollow-up operation ang pinagtataguang bahay ni samson na pag-aari ng isang Rodelio Lagmay na puwersahan nitong pinasok.
Nagkaroon muli ng palitan ng putok na nagresulta sa pagkakasawi ng suspek at pagkakarekober ng isang granada.

Facebook Comments