NANLABAN | Drug suspect, patay matapos manlaban

Calamba, Laguna – Patay makaraang manlaban ang isang lalaki na numero unong tulak ng iligal na droga sa Calamba, Laguna.

Magsisilbi sana ng search warrant ang mga pulis sa bahay ng suspek na si Ponciano Deticio ng bigla itong nagpaputok ng baril.

Dito na gumanti ang mga otoridad na nagresulta sa kaniyang pagkamatay kung saan naaresto naman ang dalawa niyang kasamahan.


Nakuha sa bahay ng napatay na suspek ang isang baril at ilang pakete ng shabu.

Facebook Comments