NANLABAN | Drug suspect patay sa buy-bust operation sa Tanza, Cavite

30

Tanza, Cavite – Nasawi ang isang drug suspek habang nakatakas naman ang kasama nito matapos ang isinigawang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Tanza Municipal Police Station at PDEA kaninang madaling araw sa Tanza Cavite.

Kinilala ang nasawing drug suspek na si Jomarie Buenavista alyas Jomar habang ang nakatakas nitong kasama ay kinilala sa alyas na Charlie.

Ayon kay PNP Calabarzon Spokesperson Superintendent Chitadel Gaoiran alas 3:00 ng madaling araw kanina nang isagawa ang operasyon laban sa dalawang drug suspek

Pero nakahalata ang mga ito na sila ay nakikipagtransaksyon sa mga pulis kaya agad na tumakas ngunit nakorner si alyas Jomar sa isang abandonadong bahay ngunit sa halip na sumuko ay pinagbabaril nito ang mga pulis.

Dito na gumanti ng putok ang mga pulis dahilan nang kanyang pagkamatay
Si alyas Jomar ay number 3 sa street level target personality ng Tanza PNP.

Facebook Comments