NANLABAN | Hinihinalang tirador ng motor, sawi sa engkwentro sa Laguna

26

Laguna – Patay ang dalawang pinaghihinalaang magnanakaw ng motorsiklo matapos na makipagbarilan sa mga otoridad sa San Pedro Laguna.

Ayon sa mga pulis, dumaan ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo sa checkpoint ng Highway Patrol Group (HPG) sa nasabing lugar.

Anila, bigla na lang umanong nagpaputok ng baril ang angkas na suspek sa harap mismo ng checkpoint na naging dahilan para habulin sila ng mga pulis.

Ayon naman kay Chief Inspector Jose Maria Franca, sangkot umano ang dalawa sa nakawan ng motorsiklo.

Dagdag pa ni Franca ay tulak at gumagamit din ang mga suspek ng iligal na droga.

Narekober sa mga suspek ang dalawang kalibre 38 nabaril at mga sachet ng hinihinalang shabu.

Facebook Comments