NANLABAN | Holdaper, patay matapos mabaril ng security guard

68

Manila, Philippines – Patay ang isang holdaper matapos itong mabaril ng isang security guard sa Quezon City.

Sa ulat, hinoldap at binaril ng suspek na si Carlos Manzan ang nanlaban na taxi driver na si Rodolf Hicap kung saan nakatakbo ito at nakahingi ng tulong.

Tiyempo naman na nakita ng guwardiyang si Genel Jandoni ang insidente kung kaya at binaril nito ang holdaper dahil sa takot na baka maunahan.

Narekober sa crime scene ang baril ng suspek, bag, pera at mga I.D.

Kasalukuyan naman ginagamot sa East Avenue Medical Center ang taxi driver habang nasa kustodiya naman ng mga pulis ang guwardiya para sa karagdagang imbestigasyon.

Facebook Comments