NANLABAN | Lider ng NPA, patay sa Zamboanga del Norte

Zamboanga del Norte – Patay ang isang notoryus na lider ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte.

Sa ulat, mas ginustong makipagbarilan ng suspek na si Edwin Lapinig alyas “Baz” sa halip na sumuko kaya at napatay ito.

Sa ulat, isisilbi sana ang arrest warrant ng pinagsanib na puwersa ng PNP at AFP subalit agad silang pinasalubungan ng sunod-sunod na putok ng baril ni Lapinig.


Dalawang sundalo naman ang nasugatan sa engkuwentro at kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Facebook Comments