NANLABAN | Miyembro ng NPA – Patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Laguna

Laguna – Patay ang isang miyembro ng New Peoples Army habang arestado ang apat pa matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa Brgy. Dambo Pangil Laguna kahapon ng hapon.

Kinilala ang nasawing NPA na si Ismael Criste alyas Ka Maeng, na kabilang sa Rebolusyonaryong Buwis sa Kaaway na Uri (RBKU) ng Cesar Batrallo Command-NPA.

Habang ang mga naaresto ay kinilalang sina Luis Etolarde Alano Jr, Shirley De Guzman Martinez, Felicidad De Mesa alyas Ka Fely at Cristy Ramos Lacuarta alyas Tintin.


Sa ulat ni Police Regional Office 4A Spokesperson Police Supt Chitadel Gaoiran nagsasagawa ng COMELEC Checkpoint ang mga pulis nang dumaan ang mga NPA pero sa halip na huminto ay nakipagbarilan sa mga pulis resulta ito ng pagkasawi ng isang NPA at pagkaaresto ng apat.

Narekober sa mga teroristang komunista ang pitong baril, granada, mga bala at mga mahahalagang dokumento.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 10591 o ILLEGAL Possession of Firearms and Ammunition at RA 9516 o ILLEGAL POSSESSION of Explosives may kaugnayan sa COMELEC Gun Ban ang isasampa sa mga naarestong NPA.

Facebook Comments