NANLABAN | Tatlo patay sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Makati

60

Makati City – Patay ang dalawang hindi pa kilalang drug suspek matapos manlaban sa Laperal Compound, Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City.

Ayon kay Senior Superintendent Roger Simon, hepe ng Makati pulis, nagsagawa ng follow-up operation ang kanyang mga tauhan kung saan isang alyas Amed muna ang nahuli sa Oplan Sacleo at itinuro nito ang kanyang mga supplier ng iligal na droga.

Nang aarestohin ang dalawang suspek nanlaban ang mga ito na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

Nakuha sa encounter scene ang isang granada, 2 baril at 7 pakete ng hinihinalang shabu.

Samantala, nasawi rin ang isang retiradong marine na si Alexander Millado matapos manlaban sa mga pulis sa Barangay Cembo.

Magsisilbi sana ng search warrant ang mga otoridad sa bahay nito dahil sa report na mayroong itong itinatagong mga matatas na kalibre ng baril.

Pero sa halip na makipag-kooperasyon, bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga pulis na naging resulta ng kanyang pagkamatay.

Facebook Comments