NANLABAN | Utak sa pagtakas ng mga preso sa kulungan sa Bacoor, patay sa engkwentro

Bacoor City – Patay sa engkwentro sa mga otoridad ang itinuturong utak sa pagtakas ng mga preso sa Bacoor City Custodial Center noong Hulyo.

Ayon kay Bacoor Police Chief, Supt. Vicente Cabatingan, aarestuhin sana ang puganteng si Michael Salac pero pinaputukan ang mga pulis hanggang sa mauwi sa engkwentro na nag-resulta sa kanyang pagkamatay.

Natunton si Salac dahil sa impormasyon na madalas itong nagpupunta sa kanyang kapatid sa Mary Homes Subdivision sa Bacoor City.


Dahil sa impormasyon, nagtalaga ang Bacoor Police ng mga tauhan sa lugar at dito naaktuhan si Salac.

Nabatid na sa dalawamput tatlong nakatakas na preso noong July 27, may anim na ang pinaghahanap hanggang sa ngayon.

Facebook Comments