NANUMPA | Dating Court of Appeals Justice, nanumpa na bilang bagong COMELEC commissioner

72

Manila, Philippines – Mahigit isang linggo bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa May 14, nanumpa na sa kanyang pwesto si bagong Commission on Elections (COMELEC) Commissioner na si Dating Court of Appeals Justice Socorro Inting.

Si Inting ay nanumpa kay Comelec Acting Chairperson Al Parreño.

Ayon kay Parreño, napapanahon ang appointment ni Inting ngayong abala sila sa paghahanda, hindi lamang sa BSKE kundi sa 2019 National and Local Elections.

Si Inting ay itinalagang kapalit ni Commissioner Arthur Lim na nagretiro noong Pebrero ng taong kasalukuyan.

Sa kasalukuyan ay lima na ang nanunungkulang miyembro ng COMELEC En Banc at kulang na lamang ng dalawa pang appointee para makumpleto ang komposisyon nito.

Facebook Comments